Nung Chem 16 days ko, sobrang mahal na mahal ko ang Chem. Awa’t tulong, hindi ako nahirapan dun. Nahirapan din ako, hindi nga lang sobra.

Pero nung nag-Chem 17 ako, nagsimula na akong mag-doubt sa sarili ko. Naiisip ko kung deserve ko nga ba yung grade ko sa Chem 16 kasi ngayon sobrang gumagapang na ako sa Chem 17. Yung mga simpleng tanong, hindi ko na masagutan kasi sobrang nalilito na ako.

Maraming beses ko nang naisipang mag-shift. Sa kung saan-saan na courses. BS BAA, BS Math, madami pang iba. Pero yung pinakanaisipan ko talagang pag-shift-an ay BS Math. Kasi mahal ko na ang Math 53. Kahit hindi naman 1.00 o 1.25 ang pre-final grade ko eh gusto ko pa rin yun. Nakakaaliw kasi. Whereas sobrang litong-lito na ako sa Chem. 

Ang bababa ng mga DG ko. Lagi na akong nalilito sa equilibrium. Feeling ko kung papasa man ako, dahil nalang yun sa lab. Pasado ako sa LE1, pero less than 100 yung score ko. Out of 150 items.

Ewan ko ba. Magshishift na ba ako? Pero parang may nagsasabi sa akin na para sa BS ChE talaga ako.